Aurora – Nagbalik-loob ang anim na mga dating rebelde sa mga tauhan ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Manggitahan, Dilasag, Aurora nito lamang Martes, ika-13 ng Hunyo 2023.
Ang naturang pagbabalik-loob ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company.
Ayon sa ulat ni PLtCol Caligtan, ang mga anim na nagbalik-loob ay dating miyembro ng Milisyang Bayan at nanumpa ang mga ito ng Oath of Allegiance sa gobyerno na kung saan nangako na hindi na magbabalik sa komunistang grupo.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagturn-over sa dalawang granada, isang improvised na 12 gauge shotgun, isang blasting cap, tatlong pirasong 12 gauge ammunition, isang pirasong M14, 10 pirasong 7.62 na ammunition, mga libro, dokumento, at bandila ng CPP-NPA-NDF.
Nabigyan kaagad ang anim na dating rebelde ng financial assistance at libreng bigas.
Patuloy ang Aurora PNP sa paghihikayat sa mga natitirang pilit na sumasapi sa mga makakaliwang grupo at bigyang kaalaman ang mga ito patungkol sa mga iba’t ibang programa ng gobyerno para sa maunlad na pamumuhay.
Source: 2nd PMFC, Aurora PNP
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera/RPCADU3