Matapos ang matagal na koordinasyon, napasuko ng mga operatiba ang anim (6) na full-time na miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) partikular na ang NPA at tatlong (3) miyembro ng Militia ng Bayan sa Davao Oriental, Nobyembre 12, 2021.
Kinilala ang mga sumukong CTGs na sina Gilberto Garcia Colita alyas Jhonny na siyang CO, Jason Bansag Eliseo alyas REX VCO Richard Basug Jadan alyas ATOG na siyang Team Leader, Jhon Cloyd Flores Colita alyas Jan-Jan, Charlie Dave Mangasdang Pichon alyas Potpot, at David Paraiso Pichon alyas David na pawang mga miyembro ng Weakend Guerilla Front 18, SRC 2, SMRC.
Gayundin ang tatlong (3) miyembro ng MBs na sina Mike Mangasdang Pichon alyas Mike, Reynaldo Paraiso Pichon alyas OKA at Orlando Pandili Goles alyas Soysoy.
Naging matagumpay ang isinagawang operasyon dahil sa pagsusumikap ng mga pinagsamang tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 8 sa pangunguna ni PLt Nadie Lambino at PLt Ryan Joy S Esteban ng R-PSB Cluster 4. Kasama nila ang mga tauhan ng 2nd Davao Oriental Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PLtCol Adolfo Eyan; Force Commander na nasa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Efren E Orlina, Provincial Director, Davao Oriental Police Provincial; RMFB 11; DOPPO-PIU; Lupon MPS; PIT Davao Oriental; RIU 11 at sa pagsisikap at buong suporta ng mga tauhan ng 701st Brigade sa pamumuno ni Col Oliver C Maquiling INF (GSC) PA, Commander.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagkakarekober din sa isang (1) K-3 Daewoo Machine Gun, isang (1) AK47 rifle, isang (1) M16 Elisco riffle, isang (1) M16 Colt Riffle, isang (1) M16 A1 Elisco Riffle, isang (1) M203 grenade launcher, isang (1) Improvised Explosive Device (IED) na may humigit kumulang anim (6) na kilo at iba pang kagamitang pandigma at mga personal na gamit. Sila ay nagpasyang sumuko dahil na rin sa hirap na kanilang naranasan sa loob ng kilusan.
“Gutom na kami, wala nang makain. Napapalibutan na kami ng mga sundalo.” Ito ang naging pahayag ni alyas Johnny at isa sa naging dahilan kung kaya sila ay nagpasyang sumuko na sa awtoridad.
Ang sama-samang pagsisikap ng Pambansang Pulisya at mga kaakibat na ahensya ay alinsunod sa ilalim ng mandato ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa maigting na pagpapatupad ng EO 70 “Whole-of-Nation Approach”, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-LCAC) para sa pagkamit ng walang hanggang kapayapaan at kaunlaran sa bansa.
#####
Congratulations PNP Davao for a job well done!…
Congratulations po..Godbless??