Cebu City – Tiklo ang nasa anim na drug supek sa magkasunod na buy-bust operation na inilatag ng mga tauhan ng Police Station 7 ng Cebu City Police Office sa Brgy. Inayawan, Cebu City noong Agosto 8, 2023.
Sa report ng CCPO, sa operasyon na pinangunahan ni Police Major Jeciree Basitao, Station Commander, tatlo sa mga suspek ay nadakip dakong alas-2:40 ng madaling araw noong Martes sa Sitio Dumpsite ng naturang barangay.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Larry”, 47, “Cliford”, 21, at “Ronnel”, 23.
Sa kaparehong operasyon, bandang alas-4:25 ng umaga sa Sitio Basakan, nadakip sina alyas “Insik”, 38, “Jenelyn”, 22, at “Adrian”, 19.
Tinatayang nasa 10.70 gramo ng hinihinalang shabu na umaabot ang halaga sa Php72,760 ang kabuuan ng nakumpiska sa operasyon.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ng kapulisan ng lungsod ang mas maigting at mahusay na pagbibigay katuparan ng kanilang hakbangin para sa katagumpayan ng kampanya kontra ilegal na droga.