Nasabat ang tinatayang Php1.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa naarestong isang High Value Individual sa ikinasang Oplan Pagtugis at Oplan Panlalansag sa Datu Siang Street, Poblacion 7, Cotabato City nito lamang ika-19 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arbel Mercullo, Acting Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Group – Regional Field Unit BAR, ang suspek na si alyas “Abo Kaunotan”, 42 anyos, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PLtCol Mercullo, naging matagumpay ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng CIDG RFU BAR katuwang ang PDEA BARMM, Cotabato City Police Office na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Nakumpiska rin mula sa suspek ang shabu na may bigat na 270 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php1,800,000; 20 piraso ng bala ng cal.40, dalawang steel magazine pistol; Php10,000 buy-bust money, isang sling bag, isang digital weighing scale, isang yunit ng Honda Click, at dalawang cellphone.
Ang naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang yunit ng pulisya, ay nanatiling nakaantabay upang masigurong ligtas at maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan laban sa banta ng ilegal na droga.
Panulat ni Pat Ma. Señora Agbuya