Naaresto ng mga tauhan ng San Jacinto Municipal Police Station ang isang lalaking wanted sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide at Damage to Property sa Barangay San Vicente, San Jacinto, Pangasinan nito lamang ika-10 ng Pebrero 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Edgardo”, 57 taong gulang, isang truck driver at residente ng Barangay San Vicente, San Jacinto, Pangasinan.
Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Custodial Facility ng San Jacinto Police Station habang hinihintay ang kanyang pagpapadala sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Dagupan City, Pangasinan.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay isang mahalagang hakbang sa patuloy na pagpapatupad ng batas at mapanagot ang mga taong nagkasala.
Source: San Jacinto PNP
Panulat ni PMSg Marvin Jake Romero