Cagayan – Nagtapos ng Police Community Affairs and Development Course (PCADC) ang 55 miyembro ng PCADC Class 02-051-R2-2023-011 ng PRO 2 sa ilalim ng pamamalakad ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) Region 2 na ginanap sa PCO Clubhouse Camp Adurru, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Miyerkules, October 18, 2023.

Pinangunahan ni PBGen Christopher C Birung, Regional Director ng PRO2, ang aktibidad bilang panauhing pandangal at tagapagsalita kasama sina PLtCol Allen Rae F Co, AC, RCADD; PLtCol Efren Geraban, Chief, RLDDD; at PLtCol Jectopher D Haloc, AC, RSTU 2.
Ang mga nagsipagtapos ay tumanggap ng mga certificates bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagbigay ng oras na matapos ang naturang kurso kung saan binigyan ng pagkilala ang Top 3 Outstanding students.

Nagkaroon din ng ceremonial pinning of badge sa mga nagsipagtapos bilang tanda na sila’y ganap ng PCAD Specialist/Operator.
Layunin nito na hubugin at bigyan ang mga nagsipagtapos ng karagdagang mga kasanayan at kaalaman sa pagpapaigting ng Police Community Relations ng PNP.

Samantala, sa naging mensahe naman ni PBGen Birung, hinikayat niya ang bawat isa na gamitin ang natutunan sa pagganap sa tungkulin upang makita ang resulta sa paglilingkod sa taong bayan, tumugon sa mandato ng PNP at tulungan ang mahihirap na higit na nangangailangan upang lalo pang mapaigting ang ugnayan ng pulisya at komunidad.
Source: RPCADU 2
Panulat ni Police Staff Sergeant Jermae Javier