Kalinga – Sumailalim ang 55 Kalinga PNP personnel sa 2-Day Seminar on Indigenous Peace Building Practice sa Multi-Purpose Hall, Camp Capt. Juan Duyan, Bulanao, Tabuk City, Kalinga nito lamang Setyembre 7-8, 2023.
Pinangasiwaan ang aktibidad ng mga tauhan ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) sa pamumuno ni Engr. Andres Ngao-i, Chairman, PAGPTD, at sa tulong ng Provincial Police Strategy Management Unit at Provincial Learning and Doctrine Development Branch ng Kalinga PNP at dinaluhan ng 55 Kalinga personnel mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Kalinga.
Tampok sa aktibidad ang edukasyon ukol sa Culture Sensitivity, Kalinga Culture and Tradition, Role of Women in Peacebuilding, Overview of IPs in the Philippines, Overview of the IPRA, Indigenous Political Structure and System of Kalinga, Bodong System, Pagta of the Bodong at iTabuk Pagta.
Layunin ng aktibidad na hasain ang kasanayan at makapagbigay kaalaman sa mga awtoridad upang maging pamilyar sa Bodong “peacepact” System para sa kaayusan at kapayapaan sa probinsya.