Nasabat ng mga tauhan ng Malabon City Police Station ang tinatayang 535 gramo ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation na naganap sa kahabaan ng Mango Road corner Nangka Street, Barangay Potrero, sa Malabon City nito lamang Lunes, Enero 13, 2025.
Pinangalanan ni Police Colonel Josefino D Ligan, Acting District Director ng Northern Police District, ang suspek na si alyas “Mark”, 41 anyos na nakalista bilang isang High Value Individual (HVI).
Nasabat ng mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon ang dalawang knot-tied sachet plastic sachets ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price na Php3,638,000, isang kalibre .45 na baril na may mga bala kasama ang mga pekeng pera na ginamit sa operasyon.
Nahaharap si alyas “Mark” sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at kasong paglabag sa RA 10591 o mas kilala naman bilang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Pinuri ni PCol Ligan ang dedikasyon at pagsisikap ng Malabon City Police Station para sa kanilang walang humpay na pangako sa pagpuksa sa ilegal na droga at pagprotekta sa komunidad.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos