Mayantoc, Tarlac – Matagumpay ang isinagawang pamamahagi ng 50 pares na tsinelas ng 2nd Tarlac Provincial Mobile Force Company sa Sitio Calao, Barangay San Jose, Mayantoc, Tarlac nito lamang Linggo, Hulyo 31, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Franklin Palaci Estoro, Force Commander ng 2nd Tarlac PMFC kasama ang Lingkod Bayan Advocacy Support Group.
Tinatayang 50 na bata ang nahandugan ng pares na tsinelas sa nasabing lugar.
Ang nasabing aktibidad ay kaugnay sa ika-27th PCR Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos, at Maunlad na Pamayanan”.
Ayon kay PLtCol Estoro, lubos na nagpapasalamat ang mga magulang ng mga bata sa PNP sa ipinamahaging regalo sa kanilang mga anak.
Layunin ng aktibidad na makapag-abot ng tulong sa mga mamamayan at mapagtibay ang ugnayan ng PNP at ng komunidad.
Source: 2nd PMFC, Tarlac PPO
###
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera