Dahil sa pagpapatupad ng iba’t ibang programa ng ating pamahalaan kontra insurhensya at terorismo, 50 sa ating mga katutubo sa Zambales ang lumagda at nangakong hindi na susuporta sa mga komunistang grupo noong Nobyembre 12.
Sa pagtutulungan ng Zambales Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni PCol Romano V Cardiño, Provincial Director, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa pangunguna ni Dir. Ma. Luisa F De Guzman, Lead SAKM Cluster 3; Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa pamumuno ni MGen Abraham Claro C Casis (Ret) at LtCol. Eugene Heny Z. Cabusao, Batallion Cmdr 3rd Mech ay matagumpay na naisagawa ang RTF-ELCAC SAKM Convergence and Community Consultation sa Brgy. Sindol, San Felipe, Zambales.
Umabot sa 50 na katutubo ang pumirma sa Pledge and Withdrawal of Support to CTG. Kasabay din nito ay ang kanilang pagsunog sa bandila ng CPP bilang pagpapakita sa pagbawi ng kanilang pagsuporta sa komunistang grupo.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Hon. Leo John Farrales, Mayor ng San Felipe; PLtcol. Generico M Binan, DPDO, Zambales PPO; PMaj. Joe Louies Lo Jr., C, PCADU; mga tauhan ng San Felipe MPS at 2nd PMFC.
Pagkatapos nito ay nagsagawa rin ng Duterte Legacy Barangayanihan Caravan: Towards National Recovery kung saan 280 na residente ang naging benepisyaryo kabilang na dito ang ating mga katutubo.
######