Calapan City (February 26, 2022) – Hindi bababa sa 50 bagong pisa na pawikan o Olive Ridley sea turtles (Lepidochelys olivacea) ang pinakawalan sa dagat sa Barangay Lazareto, Calapan City bandang 5:30 PM ng Pebrero 26, 2022.
Ayon sa ulat, nireport ni Baltazar Alfante, isang mangingisda sa Sitio Silangan ang nakitang inang pagong na nangingitlog malapit sa kanyang bahay noong Disyembre 31, 2021 sa Fishery Management Office (FMO) Bantay Dagat (fish warden) ng Calapan sa ilalim ng Environment and Natural Resources Office ng lungsod.
Ang mga Maritime police ay nagtayo ng bakod sa paligid ng mga itlog upang matulungan ang mga ina ng pawikan at ang kanilang mga anak na madagdagan ang kanilang mga pagkakataong mabuhay.
Kabilang sa mga tumulong sa pagpapalaya ng mga hatchling ay ang mga opisyal ng barangay, Bantay Dagat at mga kawani ng FMO ng lungsod at Oriental Mindoro Maritime police.
Itinuturing ng International Union for the Conservation of Nature and Natural Resources at ng Endangered Species Act of 1973 ang pawikan bilang isang endangered species.
Ipinagbabawal ng Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang pangangaso, pagbebenta, at pagpatay, gayundin ang pagkolekta ng mga itlog ng mga endangered species.
Source: Inquirer.net and Oriental Mindoro Marpsta
###
Panulat ni Erwin P. Calaus
Laging may malasakit sa lahat yan ang mga kapulisan