Monday, November 25, 2024

5 Tsinong gun-runner, tiklo sa buy-bust ng CIDG sa Paranaque City

Parañaque City (February 17, 2022) – Bigo ang limang (5) Chinese national na pagkakitaan ang ilegal na high powered firearms matapos silang masakote ng pinagsanib na pwersa ng PNP Criminal Investigation and Detection Group at ng Southern Police District sa isang buy-bust operation sa Parañaque City kaninang umaga, Pebrero 17, 2022.

Kinilala ni CIDG Director, Police Major General Albert Ignatius Ferro ang mga nadakip na suspek na sina Chen Que Sheng, 37; Peng Shao Shan, 32; Wang Xu Zheng, 29; Wou Chzn Soo, 37; at Li Wang, 24; pawang mga residente ng #2392 Jose Abad St., Bayview Village Barangay Tambo, Parañaque City at sila ay taga Mainland China na kung saan tatlong (3) taon na silang namamalagi sa Pilipinas.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang (2) walang lisensyang armalite at dalawang (2) magazine para dito, 14 na bala ng 5.56 caliber, limang (5) laptop, iba’t ibang credit cards kasama ang magnetic striped at halo-halong dongle devices na ginagamit sa kanilang mga ilegal na transaksyon.

Ang mga suspek ay nakilalang miyembro ng South Tiger Criminal Group na sangkot sa gun running at pagbebenta ng torture devices.

Ayon pa kay General Ferro, ang pagkakadakip sa mga suspek ay bahagi ng puspusang kampanya ng PNP na mapigilan ang paglaganap ng ilegal na baril lalo na ngayong papasok ang panahon ng kampanya para sa 2022 national and local elections, base sa tagubilin ni PNP Chief, Police General Dionardo Carlos. Aniya, layunin ng operasyon na mapigilan ang masasamang loob na magamit ang mga ilegal na baril sa pananakot at paggawa ng krimen upang maimpluwensyahan ng ilang mga tiwaling kandidato ang resulta ng botohan.

###

1 COMMENT

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles