Cauayan City, Isabela (February 2, 2022) – Arestado ang limang (5) suspek sa carnapping sa Andida Construction, Brgy. Ballacayu, San Pablo, Isabela sa mgkahiwalay na checkpoint operation ng mga kapulisan sa Cauayan City, Isabela noong Pebrero 2, 2022.
Kinilala ang mga suspek na sina Ariston Ventura Camilet, 26 anyos, may-asawa, dumptruck driver; Sanny Nonales Camilet, 58 taong gulang, drayber at parehong residente ng Brgy. Lunec, Malasiqui Pangasinan; Necon Acilio Ediza, 28 anyos, binata, residente ng Brgy. Asin, Malasiqui, Pangasinan; Jerry Orasa Norberte, 36 anyos, may asawa, truck driver at residente ng Brgy. Catablan, Urdaneta Pangasinan at si Joel Camilet Inaldo, 22 taong gulang, binata, helper at residente ng Brgy. Lunec Malasiqui, Pangasinan.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, humingi ng tulong ang biktimang si Fidel Beltran, caretaker ng kumpanya, sa mga kapulisan na kasalukuyang nagmamando sa isang checkpoint sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela, upang arestuhin ang mga tumangay sa kanilang mga heavy equipment.
Agad naman tumugon ang mga awtoridad at nagpaalerto sa mga kapulisan ng nasabing lungsod.
Dahil dito, naaresto ang tatlong (3) suspek at nabawi ang isang (1) howo trailer truck na may kargang 1 Xia Sheng loader, at isang (1) FAW white dump truck sa kahabaan ng National Highway, Barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela.
Samantala, matagumpay ding nabawi ang isang (1) Isuzu trailer truck na may kargang XGMA backhoe mula sa dalawa (2) pang suspek sa kahabaan ng Cabatuan Road, Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Sa kasalukuyan, ang limang (5) suspek ay nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-carnapping Law.
Source: Cauayan CPS
####
Husay tlaga ng mga pulis salamat