Sultan Kudarat – Tuluyan ng napasakamay ng otoridad ang limang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos silang maaresto sa Sitio Bagang-Bagang, Brgy. Lagubang, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat, noong ika-2 ng Agosto 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mga suspek na sina alyas “Pinge”, 37, Top 1 Municipal Most Wanted Person; alyas “Hali”, 65; alyas “Henry”, 25; alyas “Antis”, 18 at si alyas “Plag”, 37, pawang nasa watchlist ng Periodic Status Report (PSR), at mga residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PBGen Macaraeg, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder, Attempted Homicide at sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kinumpirm ni PBGen Macaraeg na ang limang suspek ay miyembro ng komunistang grupo mula Platoon Madrid, Southern Regional Command (SRC) DAGUMA.
Batay sa rekord, sangkot din ang mga naarestong suspek sa mga karumal-dumal na krimen sa probinsya ng Sultan Kudarat, kabilang ang pagpatay kina Richard Caligid Panganuron noong Marso 17, 2022; Nonoy Kalay Lapi (CAFGU Member) noong Oktubre 16, 2022; Egme Salaman Watamama noong Marso 17, 2021; at sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng 7th Infantry Battalion, Philippine Army noong Marso 2, 2023.
Pinuri naman ni PBGen Macaraeg, ang mga operatiba ng Sultan Kudarat PNP at 6th Infantry Division, 7th Infantry Battalion, PA para sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga high-profiled na indibidwal at dahil rito ay mabibigyan na ng hustisya ang kanilang mga naging biktima.
“The successful operation reflects the dedication and commitment of the Police Regional Office 12 in its pursuit of justice and peace in the region. We commend the joint efforts of all the involved units, and we assure the public that we will continue to serve with a heart, putting the safety and security of our fellow citizens at the forefront of our mission,” ani PBGen Macaraeg.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin