Mt. Province – Nakatanggap ng tulong pinansyal ang limang batang mag-aaral mula sa Educational Enhancement Program (EEP) mula sa mga tauhan ng 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company sa Camp Lt. Geronimo F. Montes, Bontoc, Mt. Province nito lamang ika-23 ng Agosto 2023.
Ito ay inisyatibo ng 2nd Mt. Province PNP sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Daniel Pelew Fakat, Force Commander, na nag-abot ng Php14,000 sa limang napiling benepisyaryo.
Ang limang mag-aaral na napili ay hinimok na magpursigi at gamitin ito sa kanilang mga gastusin sa paaralan.
Ang programang ito ay ipagpapatuloy ng 2nd Mt. Province PMFC upang makapagbigay ng inspirasyon at tulong lalo na sa mga batang mas higit na nangangailangan upang makamtan nila ang kanilang mga pangarap.