Arestado ang limang (5) indibidwal sa paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” kaugnay ng umiiral na gun ban ng Commission on Elections sa panahon ng 2025 National and Local Elections.
Ayon kay Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director ng Lanao del Sur Police Provincial Office, ang mga suspek ay pawang residente ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.
Pinuri rin ni PCol Daculan, ang matagumpay na pagtutulungan ng 103rd Brigade, RMU 9, 2nd LAC/LAB, 63rd SAC 6SAB, at ng Pualas Municipal Police Station sa mabilis at epektibong operasyon laban sa mga lumalabag sa batas.
Kabilang sa mga nakumpiskang baril at bala mula sa mga suspek ang isang (1) Armscor cal. .45 pistol, isang (1) Colt MK IV cal. .45 pistol, isang (1) cal. 9mm pistol, isang (1) cal. .45 pistol, isang (1) Armscor cal. .45 pistol, siyam (9) na iba’t ibang magasin, at 82 na bala.
Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”, at sa COMELEC gun ban ang kakaharapin ng mga suspek.
Patuloy na pinaalalahanan ng Lanao del Sur PNP, ang publiko na sumunod sa mga batas, lalo noong panahon ng halalan, upang matiyak ang mapayapa, ligtas, at maayos na eleksyon sa buong rehiyon.