Davao del Sur – Arestado ang limang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Digos PNP at PDEA sa Purok Hanapbuhay, Punta Biao, Brgy. Cogon, Digos City, Davao del Sur, noong Disyembre 14, 2022.
Kinilala ni Hamlet Lerios, Acting Chief of Police ng Digos City Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Gaw”, 25; alyas “Dondon”, 33; alyas “Mar”, 22; alyas “Rod”, 27 at alyas “Pusit”, na pawang mga residente ng Digos City at kasama sa drug list personality bilang High Value Individual sa lugar.
Ayon kay PLtCol Lerios, naaresto ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang tauhan ng Digos CPS at City Drug Enforcement Unit kasama ang 1104th Regional Mobile Force Battalion 11 katuwang ang PDEA Davao Sur.
Dagdag pa ni PLtCol Lerios, nakuha mula sa nga suspek ang mga parapernalya at ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 18 gramo na may street market value na Php270,000 at marked money na ginamit sa operasyon.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon kontra sa ilegal na droga sa lungsod ay bunga ng pagsisikap ng Police Regional Office 11 na gawing drug-free ang rehiyon onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara