Occidental Mindoro (February 6, 2022) – Matagumpay na nailigtas ng PNP Regional Maritime Unit 4B ang limang (5) dayuhan na nakasakay sa isang yate sa kahabaan ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro noong Pebrero 6, 2022.
Huminto sa paggalaw ang sinasakyang yate ng mga dayuhan nang ang isang lambat ay sumabit sa propeller ng bangka at nabigong mag-restart.
Ipinagbigay alam ni Mr. Paul Vincent A. Suaso, isang miyembro ng Puerto Galera Yacht Club High ang pangyayari sa tauhan ng PNP Maritime High Speed Tactical Watercraft (HSTW) na nakabase sa Muelle, Poblacion, Puerto Galera, bandang 8:45 ng umaga sa parehong petsa.
Ayon kay Mr. Suaso, isang (1) Australian National na kapwa niya miyembro sa Yacht Club at apat (4) na iba pang Chinese Nationals ang sakay ng nasirang yate at nasa karagatan ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro.
Agad na ipinadala ng RMU4B ang High Speed Tactical Watercraft (HSTW) 35 at tauhan nito sa pangunguna ni PSSg Willy T Concepcion, kasama si Mr. Suaso upang tulungan sila sa paghahanap ng nasirang bangka at pagsagip sa mga dayuhang sakay nito.
Nahanap ang nasirang yate sakay ang mga dayuhan bandang 11:45 ng umaga sa parehong petsa at agad na itinali ang yate sa HSTW gamit ang mga lubid at hinila ito patungo sa Muelle, Puerto Galera.
Matagumpay na nailigtas ng maritime police ang limang (5) dayuhan na kinilalang si Mel Smith, Australian National at apat na Chinese Nationals na sina Zhang Wei, Xu Hang, Li Chenxue, Zhou Hui.
Bandang 10:17 ng gabi ay ligtas silang nakarating sa Muelle Heritage Park, Barangay Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro.
####
Panulat ni PMSg Leah Lyn Q Valero
Salamat sa kahusayan n pinamalas nyo mga alagad ng batas