Sultan Kudarat – Walang alinlangang sumuko sa otoridad ng Sultan Kudarat PNP at Philippine Army ang limang dating violent extremists sa probinsya ng Sultan Kudarat nito lamang ika-31 ng Enero 2023.
Kinilala ni Police Colonel Christopher M Bermudez, Provincial Director ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, ang mga kusang loob na sumuko na sina Alyas “George”, 43; Alyas “Norhan”, 17; Alyas “Peto”, 32; Alyas “Keks” 51; at si Alyas “Bamboo”, na pawang mga residente ng Maguindanao Province.
Isinuko din ng mga dating rebelde ang kanilang mga hawak na mga iba’t ibang uri ng baril at explosive devices.
Saad naman ng mga sumuko na napagtanto nila na panahon na para talikuran ang kanilang ipinaglalaban at nais na nilang mamuhay ng normal kasama ang kanilang mga pamilya.
Ayon kay PCol Bermudez, ang pagbalik-loob ng dating mga rebelde ay dahil sa patuloy na pagsisikap ng ating mga kapulisan at kasundaluhan kasama ang suporta ng Local Government Unit (LGU).
Isasailalim sa proseso ang mga former violent extremist sa mga programa ng gobyerno upang tuluyang makapagbagong buhay ang mga ito.
Kaugnay nito, muling nanawagan si PBGen Jimili L Macaraeg, Regional Director ng PRO 12, sa mga natitira pang miyembro ng mga mararahas na grupo/komunistang grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan alang-alang sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran ng bansa.
Source: Sultan Kudarat Police Provincial Office – PRO12
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin