South Cotabato – Payapa at tahimik na buhay ngayon ang kinakaharap ng lima na dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos itong boluntaryong sumuko sa 1205th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12, Purok 6, Brgy. Maltana, Tampakan, South Cotabato nito lamang Hulyo 12, 2023.
Ayon kay Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mga sumuko ay mga dating miyembro ng komunistang grupo sa ilalim ng Guerilla Front 72 at 73 ng Far Southern Mindanao Region (FSMR), New People’s Army.
Sumuko ang mga Former Rebels (FR) dahil sa patuloy na panghihikayat ng 1205th MC, RMFB 12 sa pangunguna ng kanilang Office-In-Charge na si Police Lieutenant Colonel Eric De Venancio, na siyang nagbigay liwanag ng katotohanan na ang gobyerno lamang ang makakatulong sa kanilang pagkamit ng tahimik at maunlad na pamumuhay.
Samantala, isinuko rin ng mga former rebels ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang yunit ng M14 Rifle, dalawang rifle grenade, isang hand grenade, at isang yunit ng homemade single shot pistol na may kasamang apat na bala.
Kasalukuyang nasa pangangalaga na ng 1203rd MC, RMFB 12 ang limang FR upang sumailalim sa patuloy na debriefing at paghahanda ng mga dokumento upang magkaroon ng mga benepisyong hatid ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) mula sa ating gobyerno.
Sa patuloy na pagbabalik-loob ng mga dating miyembro ng mga komunistang grupo ay nagpapakita lamang ng kanilang buong katapatan at pagtitiwala sa ating gobyerno.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin