Isinagawa ang Closing at Send-off Ceremony ng 4th batch ng Revitalized Pulis Sa Barangay na ginanap sa Old Building ng Surigao del Norte Police Provincial Office nito lamang ika-7 ng Oktubre, 2024.
Pinangunahan ni Police Colonel Restituto P Lacano Jr., Deputy Regional Director for Operations ng Police Regional Office 13, ang nasabing aktibidad katuwang si Police Colonel Nilo T Texon, Officer-In-Charge ng Surigao del Norte Police Provincial Office.
Matapos makompleto ang 15-araw na mga lecture at seminar, na nagbigay ng kaalaman at kasanayan ay handa na para sa send-off na naglalayong mapabuti ang seguridad at kaayusan sa mga barangay.
Ang deployment ng 103 R-PSB cadres ay inaasahang makakatulong sa pagtugon sa mga lokal na isyu, pagpapatibay ng seguridad at pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan at mga tagapagpatupad ng batas.
“Let us remain steadfast in our commitment to ensuring community safety, with the goal of fostering a safer and more secure environment for all barangay residents. I hope you will carry with you the values, discipline, and dedication, along with a strong sense of duty, as you work to maintain internal peace and security in the province,” ani PCol Lacano.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin