Isinagawa ang 4th Quarter Earthquake Drill 2024 na nilahukan ng mga miyembro ng pulisya ng lahat ng units/offices na nakatalaga sa loob ng Kampo Crame, Quezon City eksaktong 2:00 ng hapon nito lamang Huwebes, Nobyembre 14, 2024.
Ang naturang drill ay bahagi ng paghahanda sakaling tumama ang malakas na magnitude 7.2 na lindol sa ating bansa at maitanim sa utak ng bawat indibidwal ang duck, cover, at hold para ligtas kontra lindol.
Sa pagbibigay ng mga kritiko sa kahandaan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay nagbigay ng kanilang obserbasyon at ipinaabot ang pagbati sa lahat ng lumahok. Ito ay sa mas mabilis at organize na paghahawak sa mga tao per quadrant.
Itinalaga ang mga sumusunod na Evaluation Team mula sa Quezon City Bureau of Fire Protection at Quezon City Disaster and Risk Reduction Management Office para sa apat na quadrants upang tiyakin na lahat ng paghahanda at pag-iingat upang maiwasan na magkaroon ng casualty sakaling tumama ang lindol. Ito ay sina Senior Inspector Rowelle L Yarcia, Inspector James S Peralta, Senior Fire Officer 1 Cornelio F Tangkiao, Fire Officer 3, Roy Arvin D Dela Cruz, Fire Officer 1 John Carl S Corpuz, Fire Officer 1 Rey John S Surtido, F/A Melchor M Magculang, Mr. Christian O Correos, at Mr. Bonifacio M Magculang.
Ito ay malaking tulong sa kahandaan at pagsiguro ng kaligtasan ng bawat mamamayan sapagkat kaagapay ang PNP sa pagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan sa gitna ng kalamidad.
Pinapaabot ni Ms. Rizhell M Apo, representative ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang kanyang pagbati sa mabilis na tugon at kahandaan ng PNP sakaling tumama ang lindol, ganun din si Chief Inspector Monchito D Duka at Police Colonel Ronaldo Fulo, Deputy Director ng HSS bilang Acting Incident Commander.
Samantala, nagbigay naman ng mensahe ng pamamatnubay si Police Major General Roderick Augustus B Alba, Director ng Police Community Relations, ang lahat ng mga tauhan ng PNP na dapat laging handa at alam ang mga dapat gawin sa oras ng sakuna.
Panulat ni PSSg Grace Neville L Ortiz