Tagbiliran City, Bohol – Nakalikom ng 48 bags ng dugo sa Blood Letting Activity ng pulisya ng Bohol sa Covered Court ng Camp Francisco Dagohoy, Tagbilaran City nito lamang Lunes ng umaga, Marso 7, 2022.
Ayon kay Police Colonel Osmundo D Salibo, Provincial Director, Bohol Provincial Police Office, 48 bags ng 450 CC ng dugo na may kabuuang 21,600 CC ang nakalap.
Ayon pa kay PCol Salibo, katuwang ng PNP sa aktibidad ang Dagohoy Masonic Lodge #84 at Provincial Health Office, sa pamamagitan ni Governor Celestino Gallares, Hospital Blood Bank.
Ang blood donors ay ang mga tauhan ng Bohol Provincial Police Office, iba’t ibang Police Station, miyembro ng Dagohoy Masonic Lodge #84, Bureau of Fire Protection, Provincial Health Service, AKHRO Force Multipliers at iba pang volunteers.
Dagdag pa nito, ang naging hakbangin na ito ng Bohol PPO ay kabilang sa mga programang nakahanay sa pagdiriwang ng 2022 National Women’s Month.
Hangad ng kapulisan na matulungan at mapaglingkuran ang kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng isang pagkilos na nagbibigay sa mga ito ng pag-asa upang mabuhay.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan