Tiklo ang isang 44 anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng ilegal na droga sa mismong tahanan nito sa Barangay New Cebu, President Roxas, Cotabato nito lamang Nobyembre 11, 2024.
Kinilala ni Police Major Jose Ryan Banguis Feranil, Hepe ng President Roxas Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Obeth”, 44 anyos at residente ng naturang lugar.
Ayon kay PMaj Feranil, bandang 12:17 ng hating gabi nang sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng suspek at nasamsam ang apat na transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.
Walang humpay ang Pambansang Pulisya sa pagsagawa ng iba’t ibang operasyon upang hulihin ang mga taong sangkot sa paggamit, pagbebenta, at nagbibigay proteksyon sa ilegal na droga.
Panulat ni Patrolman Khnerwinn Medelin