Isinuko ang 41 Loose Firearms sa ilalim ng Small Arms and Light Weapons Management Program sa Barangay Salunayan, Midsayap, SGA BARMM nito lamang ika-21 ng Marso 2025.
Pinangunahan at dinaluhan ng mga tauhan ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, sa pamumuno ni Police Colonel Eleuterio M Ricardo Jr, Provincial Director, katuwang ang 34th Infantry Battalion, Philippine Army, Local Executives Officials ng Nabalawag, Kadayangan at Pahamuddin.
Ang naturang programa ay bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na armas upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng boluntaryong pagsuko ng loose firearms, inaasahang mababawasan ang insidente ng karahasan at mapapalakas ang tiwala ng publiko sa mga awtoridad.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang PNP at AFP sa kooperasyon ng mga residente at lokal na opisyal sa pagsusulong ng mapayapang komunidad.
Patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad sa iba pang indibidwal na maaaring may hawak pang hindi lisensyadong armas na boluntaryong isuko ang mga ito upang maiwasan ang legal na pananagutan at makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.
Panuat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya