Pinangunahan ni Gng. Rosalie “Lally” H. Eleazar, Adviser ng PNP Officers’ Ladies Club (PNP OLC) kasama si Gng. Leticia O. Cruz at Gng. Ann Janette P. Olay, ang turn-over ng 400 pirasong walis tambo sa Pambansang Pulisya na personal na tinanggap ng Hepe ng Pambansang Pulisya, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa National Headquarters ng Kampo Crame ngayong araw, ika-25 ng Oktubre, 2021.
Ang mga naturang walis tambo ay binili ng PNP OLC at Soroptimist International mula sa mga kababaihang gumawa nito sa probinsya ng Quezon bilang tulong sa livelihood program na handog nila sa mga kababaihang lubhang apektado ng pandemya.
Agad ding ipinamahagi ang mga naturang walis sa iba’t ibang opisina at istasyon ng PNP para magamit nila ito sa paglilinis ng kanilang mga tanggapan bilang bahagi ng Intensified Cleanliness Policy ng Pambansang Pulisya.
“It was proudly made by women at marangal nilang kabuhayan ito, it is a sustainable livelihood program of Soroptimist International and Soroptimist International ‘Kaagapay’. Ang mga nasabing babae ay biktima ng pagdarahop ng pandemya. Kaya naisipan ng National Soroptimist ‘Kaagapay’ na tulungan sila kung paano gumawa ng walis at dahil na rin sa programang ICP ng Pambansang Pulisya ay naisipan ng grupo na mamigay sa lahat ng offices para lagi nilang maisip na magwalis,” ani Gng. Eleazar.
######
Article by Police Staff Sergeant Vanessa C Villanos