Sumailalim sa pagsasanay ang 40 indibidwal sa isinagawang 5 days Information Exchange Geospatial Intelligence Training na ginanap sa Camp DO Plaza, Patin-ay, Prosperidad, Agusan del Sur nito lamang Abril 22, 2024.
Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ng mga tauhan ng Agusan del Sur PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Yahya B Yusup, Provincial Director ng Agusan del Sur Police Provincial Office at Police Lieutenant Colonel Bonifacio katuwang si Agusan del Sur Governor Santi Barriaga Cane na nagbigay ng mensahe sa nasabing aktibidad.

Ayon kay Gov. Cane, ang aktibidad ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng pangangalap ng impormasyon na nagbibigay ng malaking bahagi para maging matagumpay ang operasyon.
Ang aktibidad ay isinagawa ng United States Marines Personnel, National Intelligence Coordinating Agency, Armed Forces of the Philippines at iba pang ahensya ng gobyerno kung saan kabilang sa lumahok ang 14 na Police Non-Commissioned Officers (PNCOs) at 26 indibidwal na galing sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng isang tao sa iba’t ibang aspeto ng kaisipan tulad ng pag-unawa, pagkatuto, pagproseso ng impormasyon, at tamang pagpapasya sa mga di inaasahang sitwasyon.
Patuloy ang Agusan del Sur PNP sa pagpapalawak ng kasanayan sa pagsusuri, paglutas ng problema, at pagbuo ng mga solusyon na maaaring maging daan sa pagpapanatili ng ligtas tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Karen A Mallillin