Quezon, Bukidnon – Apat ang sugatan sa pamamaril sa pagbisita ni Presidential Aspirant Labor Leader, Leody De Guzman kasama ang mga miyembro ng Manobo Pulangiyon Indigenous Peoples Group sa P-18 Kiantig, San Jose, Quezon, Bukidnon nitong Martes, Abril 19, 2022.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon kinilala ni PBGen Benjamin Acorda Jr, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga sugatan na sina Charita Del Socorro, residente ng Purok 8 Butong, Quezon; Datu Didilusan Aroyo, residente ng Dologon, Maramag, Bukidnon; Robert Debatian, residente ng Dologon, Maramag Bukidnon; at Hernani Abela, residente ng Coronadal City, South Cotabato.
Ayon kay PBGEN Acorda na ang Police Regional Office 10 ay patuloy na aalamin ang motibo sa likod ng insidente at mga personalidad na sangkot dito.
“I have directed the Provincial Director of Bukidnon Police Provincial Office na magkaroon ng masusing imbestigasyon at mangalap pa ng higit pang detalye para sa ikalilinaw ng insidente,” ani PBGEN Acorda.
“I would like to remind our candidates and the organizers about the importance of coordination in performing our mandate on providing security not only to you candidates, but to the supporters as well. Napaka importante na tayo ay magtutulungan. Ito po ay malaking bahagi sa pagpananatili ng katahimikan at kaayusan sa ating lugar lalong-lalo na at this very crucial moment na papalapit na ang eleksyon. Hindi naman pinagbabawal ang area security lalo na sa identified high-risk zone. What the Election code prohibits is the employment of body guards without the Certificate of Authority,” dagdag ni PBGen Acorda.
Source: RPIO 10
###
Panulat ni NUP Sheena Lyn M Palconite/RPCADU 10