Natukoy na ng Special Investigation Task Group ang higit saapat na persons of interest na nangyaring pananambang sa Election Officer ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte at asawa nito ayon sa pahayag ni PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Romeo Juan Macapaz sa isinagawang press conference nito lamang ika-29 ng Marso 2025 sa PRO BAR Lounge, Parang, Maguindanao del Norte.
Matatandaan na napatay sa pananambang sina Election Officer Maceda Lidasan Abo at asawa nitong si Jojo Abo habang papunta sa trabaho noong Miyerkules, March 27, 2025 sa Barangay Makir Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte.
Ayon kay PBGen Macapaz, mayroong kaugnayan sa kanyang trabaho ang motibo sa pagpaslang.
Samantala, patuloy nang pinaghahanap ng mga pulisya ang mga natukoy na persons of interest.
Nagtalaga na rin ng 180 PNP Personnel ang PRO BAR sa iba’t ibang barangay ng Datu Odin Sinsuat para matutukan ang seguridad at maiwasan ang mga ganitong uri ng insidente.
Panulat ni Pat Veronica Laggui