Dahil sa programa ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “whole-of-the nation approach” upang wakasan ang paglaganap ng mga komunistang grupo sa loob ng bansa, nagbalik-loob sa pamahalaan ang apat (4) na miyembro ng Kalipunan ng Damayang Panlipunan (Kadamay) noong Martes, Oktubre 5, 2021.
Pinangunahan ng RIU 3 kasama ang PIU Pampanga, Mabalacat CPS, Pampanga PPO, 72nd MICO 7MIB 7ID PA, at ODI 420th SW PAF ang pagbabalik-loob ng mga miyembro ng KADAMAY-Mabalacat Chapter.
Batay sa pagsisiwalat ng mga dating rebelde, ang grupo nila ang nagsagawa ng rally sa harap ng Mabalacat City Hall at ang kanilang hinaing ay “KARAPATAN PANINIRAHAN IPAGLABAN” na siya ding ipinakakalat ng iba pang miyembro ng kadamay sa Metro Manila. Sila’y dating aktibong miyembro ng KADAMAY ngunit ngayon ay nangako na susuporta sa gobyerno.
####
Article by Patrolwoman Maria Elena S Delos Santos