Thursday, November 28, 2024

4 na lalaki arestado sa ilegal na pagtotroso sa Upi, Maguindanao

Upi, Maguindanao – Arestado ang apat na lalaki sa ilegal na pagtotroso sa Brgy. Bugabungan, Upi, Maguindanao noong Abril 14, 2022.

Kinilala ni PMaj Dareen Tolosa, Chief of Police ng Upi Municipal Police Station ang mga suspek na sina Rodrigo Gascon, 52; Rizsamel Tanso, 29; Jayson Galapin, 31; Gaspar Segundo, 33, pawang mga residente ng Upi, Maguindanao.

Ayon kay PMaj Tolosa, may tumawag na concerned citizen sa nasabing istasyon tungkol sa ilegal na pagtotroso sa lugar kaya nirespondehan nila ito kasama ang Municipal Environment and Natural Resources Office-Upi dahilan sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang mga ebidensya na ginamit sa ilegal na gawain; isang chainsaw na walang serial number, 2304 board feet na pinutol na troso at tatlong piraso ng troso.

Napag-alaman naman sa inisyal na imbestigasyon mula sa mga suspek na ang may-ari ng chainsaw ay si Paul Santiago.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 705 o “The Forestry Reform Code of the Philippines”.

###

Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles