Maguindanao del Norte – Isinuko ng apat na Kapitan ng Barangay ang kanilang mga loose firearms sa awtoridad sa Talitay, Maguindanao Del Norte nito lamang ika-14 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Colonel Salman Sapal, Provincial Director ng Maguindanao del Norte PPO, ang mga nagsuko na sina Hon. Solaiman P Buisan, Brgy Chairman ng Poblacion, Talitay; Hon. Kuli Mama Datulukes, Brgy. Chairman ng Kilalan, Talitay; Hon. Azmy D. Guiamadel, Brgy. Chairman ng Bintan, Talitay; at Mamatanto K Manap, Brgy. Chairman ng Kuden, Talitay, Maguindanao del Norte.
Kabilang sa mga isinukong loose firearms ay ang isang homemade .50 Cal Sniper Barret na walang serial number; isang 7.62 Sniper Rifle; isang homemade Shotgun na walang serial number; at isang .38 Caliber Revolver na walang bala.
Ang ceremonial turnover ay pinasimulan ng Talitay MPS sa pamumuno ni Police Captain Joel Albao, Officer in Charge, at pinangunahan ni PCol Sapal na isinagawa naman sa Maguindao del Norte PPO.
Nasa kustodiya na ng Talitay MPS ang nasabing mga baril para sa dokumentasyon bago iturn-over sa Regional Forensic Unit BAR para sa ballistic examination at Regional Civil Security Unit BAR para sa beripikasyon ng mga armas.
Samantala, paiigtingin pa ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Allan Nobleza, ang kampanya laban sa loose firearms sa buong rehiyon. Nananawagan din ito sa mga natitirang pribadong indibidwal at lokal na opisyal na isuko na ang kanilang mga hindi lisensyadong baril para sa kapayapaan at seguridad ng Rehiyong Bangsamoro.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz