Pagadian City (January 14, 2022) – Inaresto ng Pagadian City Police ang 4 na bet collector ng illegal numbers game na lokal na kilala bilang “SWERTRES” sa isang anti-illegal gambling drive sa lungsod ng Pagadian noong Biyernes, Enero 14, 2022.
Nahuli ang mga naaresto na aktong nangongolekta ng mga taya ng Swertres sa magkasabay na pagsalakay sa mga Barangay ng Balangasan, Dao, at Sto Niño, sa nasabing lungsod.
Sina Junnifer Robles Tolebas, Josua Abraham Pao Bebelone, Virginia Lerazan Escolano at Ian Lerazan Panaginip, ay sasampahan ng kasong illegal gambling o paglabag sa R.A. No. 9287 (isang batas na nagdaragdag ng mga parusa para sa Illegal Numbers Games na “SWERTRES”, na nasa ilalim ng Presidential Decree No. 1602).
Ang mga pagsalakay ay ginawa kasunod ng mga ulat patungkol sa patuloy na aktibidad ng ilegal na pagsusugal sa lungsod.
“Patuloy na susuportahan ng Pagadian City Police Force ang regulated numbers game operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office at sa pagpupursige ng ating kampanya laban sa ilegal na sugal. Tayo ay magtulong-tulong upang mahuli ang mga sindikato na nagpapatakbo ng ilegal na aktibidad at sa mga financier at protectors ng ilegal number games”, ani PLtCol Manuel Ryan P Lim, OIC PCPS.
#####
Panulat ni Patrolaman John Ronald Tumonong