Laguna – Arestado ang apat na Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt operation ng Laguna PNP nito lamang Setyembre 6, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Officer-In-Charge, Laguna Police Provincial Office, ang mga suspek na sina alyas “Marvin” at “Ruel”, pawang tinaguriang Regional Most Wanted Persons; alyas “Jackson” at alyas “Anna”, na pawang tinaguriang Provincial Most Wanted Persons.
Naaresto si alyas “Marvin” ng mga tauhan ng Pila Municipal Police Station bandang 11:30 ng gabi sa Barangay Labuin Pila, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang nirekomendang piyansa.
Naaresto naman si “Ruel” ng mga tauhan ng Calauan Municipal Police Station bandang 7:10 ng gabi sa Brgy. Silangan, Calauan, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang nirekomendang piyansa.
Arestado naman si alyas “Jackson” ng mga miyembro ng Luisiana Municipal Police Station ganap na 10:20 ng umaga sa Pasay City, Metro Manila sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004″ na may nirekomendang piyansa na aabot sa Php72,000.
Naaresto din si alyas ‘’Anna’’ ng mga tauhan ng Biñan City Police Station ganap na 4:40 ng hapon sa Brgy. Sto. Domingo, Binan City, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Carnapping na may nirekomendang piyansa na aabot sa Php300,000.
Ang Laguna PNP ay walang-sawang magsasagawa ng mga manhunt operations laban sa mga taong nagtatago sa batas para mabigyan ng hustisya ang kanilang mga biktima at hinihikayat ang suporta ng mga mamamayan sa pagsugpo ng kriminalidad para sa tahimik at maayos na pamayanan.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin