General Santos City – Arestado ang apat na High Value Individual (HVI) matapos mahulihan ang mga ito ng ilegal na droga at baril sa ikinasang joint buy-bust operation ng GenSan PNP at Philippine Drug Enforcement Agency 12 nito lamang ika-2 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mga naarestong HVI na sina alyas “Tatay”, 54, tinaguriang Recidivist; alyas “Waway”, 23; alyas “Joevan”, 19, at ang nagsilbing Drug Den Maintainer na si alyas “Badjao”, 36, pawang mga residente ng General Santos City.
Ayon kay PBGen Macaraeg, nagsimula ang operasyon bandang 1:00 ng hapon sa Purok Roberto, Brgy. Labangal, General Santos City sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng General Santos City Police Office-Police Station 5; GSCPO – Police Station 2; City Police Drug Enforcement Unit; City Intelligence Unit; City Mobile Force Company; Regional Police Drug Enforcement Unit 12; Regional Special Operations Group 12; Regional Intelligence Division 12 at PDEA 12.
Nakumpiska sa mga suspek ang anim na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang plastic bag na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang Cal. 357 homemade revolver, Cal. 45, mga bala, drug paraphernalia, Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money at iba pang non-drug item.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o “Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Tinitiyak naman ni PBGen Macaraeg, na mas lalo pang paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga tungo sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng Rehiyong 12.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12