Pinapurihan ni NCRPO PMGEN VICENTE D. DANAO, JR. ang matagumpay na buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng DSOU sa superbisyon ni PLTCOL JAY DIMAANDAL at ng DDEU, Northern Police District sa pangunguna ni PMAJ AMOR CERILLO kasama ang mga tauhan ng Poblacion Sub Station ng Makati City Police Station, NDIT RIU noong Oktubre 23, 2021 sa isang rental parking area sa San Agustin St., Salcedo Vill. Brgy. Bel-Air, Makati City.
Inaresto sa pinagsanib na buy bust operation ang dalawang suspek na nakilalang sina Huang Sia (Jason Lee), isang Chinese National; at Raffy Ballera y Villariz, alias Ivan.
Nakuha sa kanila ang mga ebidensya tulad ng apat na Long firearms may marking Spikes Tactical Apopka FL USA nagkakahalagang Php100,000 bawa’t isa; tatlong genuine na Php1000 buy-bust money nakahalo sa Boodle money; isang cigarette case na may hite powder na hinihinalang Cocaine na kulang sa 1 gramo may halagang Php 5,000; at isang transparent plastic bottle may lamang tatlong gramo ng shabu na may halagang Php 20,400.
Sa ulat na isinumite sa Regional Office mula kay NPD Director, PBGEN. JOSE S. HIDALGO, JR., nakasaad na sa TDPO, nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng impormasyon na ang mga suspek, na may buwan ng sinusubaybayan sa gun running, ay makikipag-ayos sa isang lugar sa Makati. Kayat apat na team ng DSOU,NPD sa superbisyon ni PLTCOL JAY DIMAANDAL at DDEU pinangunahan ni PMAJ AMOR CERILLO kasama ang personel ng Poblacion Sub -Station ng Makati CPS, NDIT RIU, ang mabilis na binuo at nagsagawa ng buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek ang pagkumpiska sa mga nabanggit na mga piraso ng ebidensya.
Mga kaso sa paglabag sa RA10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at RA9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang inihahanda laban sa mga suspek.
“Lubos akong nagagalak sa matagumpay na buy bust operation at pag-aresto sa mga suspek. Sa ilalim ng aking pamumuno, makakaasa po kayo na patuloy naming paiigtingin ang aming kampanya laban sa kriminalidad, iligal na droga, sugal at terorismo.” sabi ni PMGEN DANAO.
#####
NCRPO-PIO / Isinalin sa Tagalog ni NUP Loreto B. Concepcion