Malolos City, Bulacan – Arestado ng Regional Highway Patrol Unit 3 ang apat na Carnapper sa kahabaan ng Mc Arthur Highway, Brgy. Bulihan, Malolos City, Bulacan nito lamang Huwebes, Setyembre 01, 2022.
Kinilala ni Police Major Michael Villar, Bulacan Provincial Highway Patrol Team (PHPT), ang mga suspek na sina Marc Justine Sunga y Valenzuela, Mike Sunga y Valenzuela, residente ng Guiao Street, Brgy. Sta Maria, Minalin, Pampanga; Lorenz Perez y Ignacio, John Perez y Acuňa, pawang mga residente ng Brgy. Tabuyok, Apalit, Pampanga.
Ayon kay PMaj Villar, bandang 6:00 ng gabi nang naaresto ang mga suspek ng pinagsanib pwersa ng Bulacan PHPT at Malolos City Police Station.
Narekober mula sa mga suspek ang Yamaha Sniper 155 na may engine number G3M5E-047707 at chasis number: RLCUG1250M00041, kulay gray, na pagmamay-ari ni Allan C Rubia, residente ng Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 6539 o Anti-Carnapping Law.
Paalala ng Regional Highway Patrol Unit 3 sa ating mga motorista na mag-ingat at siguraduhin na ang ating mga sasakyan ay laging nakalock kapag ating iiwan.
Source: Regional Highway Patrol Unit 3
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera