Quezon City – Tinatayang Php136,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na suspek sa buy-bust operation ng pulisya ng Quezon City kahapon, Marso 27, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Remus Medina, District Director ng Quezon City Police District (QCPD), ang mga suspek na sina Jeth Parro y Paras alyas “Toto”, Jorandy Siriban, Child in Conflict with the Law (CICL), Jomel Bustillo y Labrague, at Jhon Paul Alburo y Cacananta.
Ayon kay Police Brigadier General Medina, naaresto ang suspek bandang 4:00 ng hapon sa ilalim ng Tulay, Brgy. Balon Bato, Quezon City sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Police Station 3, Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency National Capital Region (PDEA-NCR).
Ayon pa kay Police Brigadier General Medina, nakuha mula sa mga suspek ang 17 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na hinihinalang shabu na tumitimbang ng 20 gramo at nagkakahalaga ng Php136,000, isang pakete ng sigarilyo, dalawang Php100 bill na ginamit bilang buy-bust money at isang cellphone.
Tiniyak ni General Medina na puspusang ipapatupad ng kanilang hanay ang “fight against drugs” kasabay ng kaliwa’t kanang checkpoint na kanilang isinasagawa dahil sa nalalapit na eleksyon.
###
Husay more power PNP