Monday, January 20, 2025

4 arestado ng Midsayap PNP sa paglabag sa COMELEC Gun Ban; mga baril at mga bala, kumpiskado

Cotabato – Arestado ang apat na kalalakihan ng mga awtoridad matapos lumabag sa Gun Ban ng Commission on Elections (COMELEC) sa Purok 1, Brgy. Bual Sur, Midsayap, Cotabato nito lamang Agosto 29, 2023.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Peter Pinalgan Jr., Hepe ng Midsayap Municipal Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Suhod”, 23; alyas “Farhan”, 28; alyas “Nabil”, 27, na pawang residente ng Barangay Datu-Saudi Ampatuan, Maguindanao; at alyas “Hedar”, 23, na residente naman ng Barangay Sambulawan, Midsayap, Cotabato.

Bandang 6:00 ng gabi nang dumaan sa Checkpoint ang mga suspek sakay ng puting Toyota Pick-up at walang nakakabit na plaka.

Nang komprontahin ng mga otoridad ang mga suspek ay napansin na isa sa mga ito ay may nakasukbit na baril sa likurang bahagi.

Agad namang isinuko ng suspek na si alyas “Suhod” ang baril nitong isang yunit ng Cal. 45 pistol na may kasamang magazine at kargado ng pitong bala.

Samantala, sa isinagawang follow-up Search Operation ay nasamsam rin mula kay alyas “Farhan” ang isang yunit ng Cal. 45 pistol na may kasamang magasin at kargado ng pitong bala, isang yunit naman ng Cal .45 pistol na parehong may kasamang magasin at 10 bala ang nasabat naman kay alyas “Nabil”, habang isang yunit ng Glock pistol na may kasamang tatlong magasin at 42 bala naman ang nakuha sa pag-iingat ng suspek na si alyas “Hedar”.

Narekober din ang isang carrier box, dalawang yunit ng bush master, anim na piraso ng mahahabang magasin at 179 na live ammunitions.

Mahigpit na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang Nationwide Gun Ban sa loob ng 90-araw na election period para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Dahil dito, ipinagbabawal ang pagdala ng mga baril o iba pang nakamamatay na armas sa mga pampublikong lugar kabilang ang anumang gusali, kalye, parke, pribadong sasakyan, o pampublikong sasakyan maliban kung pinahintulutan sa pagsulat ng Comelec.

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles