Basilan – Nakiisa sa isinagawang Medical Outreach Program ang mga kapulisan ng 3rd Regional Mobile Force Company ng RMFB BASULTA sa Brgy. Colonia, Lamitan City, Basilan nito lamang ika-5 ng Agosto 2023.
Ayon kay Police Captain Ferick Jay Comafay, Company Commander, ang naturang aktibidad ay mula sa inisyatibo ng 53rd Special Action Company ng PNP-SAF katuwang ang 3rd RMFC-RMFB BASULTA, 14th Special Forces Company-Philippine Army, Lamitan City Police Station, 1st PMFC-Basilan PPO, Lamitan City Health Office, Basilan General Hospital at Provincial Health Office.
Naging matagumpay ang aktibidad na nakapagbigay serbisyo tulad ng medical at dental check-up, circumcision, haircut, feeding, storytelling at pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral.
Samantala, ang aktibidad na ito ay nagpapatunay lamang sa tunay na malasakit ng pulisya sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan at isa din itong paraan upang mas lalo pang pagtibayin ang relasyon sa pagitan ng PNP at ng komunidad.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz