Lamitan City, Basilan – Nakilahok ang 3rd Regional Mobile Force Company ng RMFB Basilan-Sulu-Tawi-Tawi (BASULTA) sa Tree Planting Activity na pinasimulan ng Lamitan Technical Institute Inc. sa Brgy. Balobo, Lamitan City, Basilan nitong Mayo 25, 2022.
Ang 3rd RMFC, RMFB BASULTA ay pinangunahan ni Police Lieutenant Franklin Amistoso, Company Ex-O sa pamumuno ni Police Captain Kiefer Dean Beray, Company Commander
Ang aktibidad ay bahagi ng academic requirements para sa pagkumpleto ng National Service Training Program (NSTP) ng mga mag-aaral sa kolehiyo at Immersion/ Research/ Career Advocacy Culminating Activity ng mga mag-aaral sa Senior High School ng nabanggit na paaralan.
Nakilahok din sa aktibidad ang 53rd Special Action Company ng SAF sa pamumuno ni Police Captain Joe Anthony Dablio, 1st Provincial Mobile Force Company, Basilan Police Provincial Office, at Bravo Battery 1st Field Artillery Battalion, Army Artillery Regiment, Philippine Army.
Layunin ng lahat ng dumalo na isulong ang isang mas malusog na ecosystem sa pamamagitan ng rehabilitasyon at muling pagsagana ng kapaligiran.
Ito rin ay isang paraan upang mabawasan ang hindi magandang epekto ng pagbabago ng klima.
Higit pa rito, iba’t ibang punla ng punong namumunga ang itinanim sa aktibidad at lahat ng kalahok ay may tungkuling tiyakin ang wastong pangangalaga ng mga itinanim na punla.
Samantala, hinihikayat ng PNP ang mga mamamayan na makiisa at makilahok sa mga ganitong uri ng programa lalo na sa pangangalaga ng ating kalikasan.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz