Southern Leyte – Nagsagawa ng 3rd Quarter Environmental Preservation ang mga tauhan ng Southern Leyte Police Provincial Office sa Sta. Cruz-Molopolo, Fish Sanctuary, Macrohon, Southern Leyte noong Biyernes, Agosto 5, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Hector F Enage, Acting Provincial Director ng Southern Leyte PPO at nilahukan ng iba’t ibang ahensya mula sa DILG-Southern Leyte sa pamumuno ni Ms. Geraldine C. Maquelabit, Provincial Director, Macrohon Municipal Police Station, BFP Southern Leyte, BJMP, Office of Civil Defense 8, Philippine Air Force at si Mr. Alan Tanjuankio, Satellite Manager ng Office of the Vice-President.
Ang 3rd Quarter PMCC Environmental Preservation ay hinati sa tatlong sub-activity: Beach Tree Planting, Coastal Clean-up at Scubasurero.
Nagsimula ang aktibidad sa pagpulot sa mga plastic at mga basurang nakaipit sa mga bakawan bago ang pagtatanim ng mahigit isang daang mga punla sa dalampasigan.
Ang mga Scubasusero naman ay nagtungo sa Brgy. Lungsodaan, Padre Burgos, Southern Leyte para pulutin ang mga basurang nakaipit sa seabed.
Alinsunod sa layuning panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng dalampasigan, nag-donate ng mga basurahan ang Philippine Air Force sa mga Barangay Officials ng nasabing barangay.
Dumalo rin sa aktibidad ang DECO Warriors, Life Coaches ng SLPPO, Officers’ Ladies Club, BTREPAS, BFAR, EMB, KKDAT, Women’s Sector at PWUDs at Barangay Officials ng Sta. Cruz, Molopolo, Macrohon, Southern Leyte, Hon. Wilfredo L. Madrona, SB Member ng Macrohon at Adviser ng Bawod Tree Planters Association (BTREPAS) at Mr. Leonardo M. Monter, Marine Farm Manager, OMAS.
Taos pusong nagpapasalamat si PCol Enage sa mga ahensya at tauhan na nakiisa sa matagumpay na isinagawang aktibidad.
Mensahe ni PCol Enage, “Mas higit akong nagpapasalamat na mayroon tayong ganitong uri ng aktibidad. Dapat nating protektahan at pangalagaan ang kalikasan dahil ito ang ating pangunahing pinagkukunan ng enerhiya at ng ating pangkabuhayan. Umaasa ako na sana ay hindi lang dito nagtatapos ang aktibidad, at dalhin natin ito saan man tayo magpunta”.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez