Isinagawa ang 3rd Quarter Enhance Monitoring of Police Overall Wellness o EMPOw ng Regional Medical and Dental Unit 10 sa Camiguin Police Provincial Office sa Camp Gen. Bonifacio, Barangay Baylao, Mambajao, Camiguin nito lamang Setyembre 19, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Maria Angelina Serezo kasama ang mga tauhan ng RMDU 10, sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Michelle Arban, Chief, RMDU 10.
Ito ay may temang “Serbisyong Pangkalusugan Para sa Pulis sa Northern Mindanao”.
Nagkaroon ng Nutritional Counseling, Psychological Counseling, Lectures on Reimbursement of Hospitalization Expenses, Stress Management, Laboratory Normal Values, Guidance on Proper Diet at Stress Management at Mental Health Red Flags.
Layunin ng Regional Medical and Dental Unit 10 na mabigyan ng serbisyong pangkalusugan ang tagapagpatupad ng batas sa Hilagang Mindanao na may pagmamalasakit sa kalusugan upang magampanan ang sinumpaang tungkulin sa bayan.