Tuguegarao City – Iginawad ng mga Cagayano Cops ang ikatatlong libreng pabahay project sa isang ginang sa Brgy. Annafunan East, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Lunes, ika-21 ng Marso 2022.
Ayon kay Police Colonel Renell Sabaldica, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, ang napili nilang benepisyaryo para sa proyekto ay si Ginang Mary Rose T. Ejada na nakatira sa isang maliit at lumang barung-barong kasama ang kanyang pamilya, kanyang ina na isang paralisado, at ang kanyang kuya na 16 taon ng nakaratay sa kama dahil sa pagkakuryente.
Isinabay na din sa programa ang Project S.I.L.I.D na ginawa para sa anak ni Gng. Ejada kung saan pininturahan ang kuwarto ng paborito niyang kulay at mga Disney characters ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo.
Bukod sa handog na bahay, nagbigay din ng unan, kutson, electric fan, double burner, bigas at grocery items.
Nakatanggap din ang limang anak ni Rose ng mga kagamitan para sa kanilang pag-aaral.
Nagpasalamat naman si PCol Sabaldica kay Mrs. Rosalie Eleazar, ang kabiyak ng dating Hepe ng Pambansang Pulisya, sa SM Foundation sa pangunguna ni Ginoong Ariel M Anog, mga kapulisan, at iba pang mga stakeholders na naging tulay upang maging posible ang pangarap na bahay ni Gng. Ejada at ng kanyang pamilya.
Samantala, tiniyak ni PCol Sabaldica na magpapatuloy ang programang ito ng kapulisan ng Cagayan upang mabigyan ang mga Cagayano na lubos na nangangailangan ng isang maayos at matibay na bubong na masisilungan.
Source: Cagayan PPO
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes
Tunay n nagmamalasakit salamat PNP