Arestado ng mga otoridad ang isang 37-anyos ma lalaki sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” kaugnay sa Omnibus Election Code, at Alarms and Scandal sa Cawagayan, Pinukpuk, Kalinga noong Pebrero 7, 2025.
Ayon kay Police Colonel James Mangili, Acting Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, nagresulta sa pagkaaresto ng suspek ang agarang pagresponde ng mga tauhan ng Pinukpuk Municipal Police Station, kasama ang dalawang Barangay Kagawad.
Kinilala ang suspek na isang lalaki, 37 taong gulang, magsasaka, at residente ng Barangay Mapaco, Pinukpuk, Kalinga.
Nabatid na nakaupo at umiinom ng alak habang may hawak na baril sa kanang kamay ang suspek nang abutan ito ng mga pulis.
Inaresto ang suspek dahil sa tawag ng isang concerned citizen na nagdulot ng alarma at eskandalo at nagpaputok ng baril.
Ang nakumpiskang baril ay isang (1) improvised 22 gauge “Paltik” na walang marka, na may limang bala.
Patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na agad ipagbigay-alam sa mga otoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng komunidad.