Piddig, Ilocos Norte – Narekober ng Ilocos Norte PNP ang 350 piraso ng iba’t ibang uri ng High Power Ammunitions na natagpuan sa Sitio Bangalan, Brgy. 18 Estancia, Piddig, Ilocos Norte nitong Linggo ng umaga, Hulyo 17, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Rudy James Jacalne, Officer-in-Charge ng Piddig Municipal Police Station, natagpuan ng isang magsasaka ang mga malalakas na bala sa kanyang taniman ng talong at ipinagbigay alam sa kanyang kapitbahay na si Police Corporal Nataniel Balucas y Pascua ng Sarrat Municipal Police Station.
Kinilala ang magsasaka na si Adiel Bagaoisan y Pascua, 60 at residente ng nasabing barangay.
Ang narekober na mga bala ay 140 piraso ng 20mm cartridge, 5 piraso ng 25mm cartridge, 20 piraso ng bala ng 7.62 cal, 85 piraso ng bala ng .50 cal, at ibat’ ibang uri ng 25mm, 20mm, .50 cal at 7.62 cal na kinakalawang na.
Idinala sa Ilocos Norte Provincial EOD and Canine Unit (INPECU) sa pamumuno ni Police Lieutenant Sigred E Caccam, Provincial Chief, ang mga narekober para sa tamang disposisyon.
Ang PNP ay nagpapasalamat sa walang sawang pakikipagtulungan ng mamamayan para sa mas ligtas na pamayanan at hinikayat na huwag mag-atubiling iulat ang anumang kakaibang bagay na mapapansin sa kapaligiran.
Source: Piddig Municipal Police Station
###
Panulat ni PSSg Vanessa Natividad/RPCADU1