Arestado ang 35 katao sa isang araw na Anti-Criminality Operation sa lalawigan ng Laguna nito lamang Hunyo 1, 2024.
Ayon sa ulat ni PCol Gauvin Mel Y Unos, Acting Provincial Director ng Laguna PPO, sa pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad, matagumpay na naaresto ang anim (6) na mga suspek. Kumpiskado rito ang 4.26 gramo ng hinihinalang shabu at 50 gramo ng marijuana na may kabuuang halagang tinatayang aabot sa Php34,968.
Sa Anti-illegal Gambling Operation ay nakapagtala naman ng isang (1) operasyon laban sa illegal number games o mas kilala sa tawag na (bookies) na nagresulta sa pagkaaresto ng isang indibidwal, habang siyam (9) na operasyon din ang naisagawa sa other forms of illegal gambling na nagresulta sa pagkakaresto ng dalawamput-anim (26) na personalidad. Nasamsam sa mga suspek ang bet money na aabot sa halagang Php2,469.
Sa Manhunt Operations, nagsagawa ang Laguna PNP ng dalawang (2) operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang (1) Most Wanted Person sa City Level na nahaharap sa mga kasong Rape through Sexual Assault. Samantala, arestado din ang isa (1) pang Wanted Persons.
Ayon sa pahayag ni PCol Unos, “Kami sa Laguna PNP ay nagpapatuloy sa mga operasyon laban sa kriminalidad upang masiguro ang seguridad, katahimikan at kaayusan sa buong lalawigan ng Laguna katuwang ang ating mamamayan at iba pang mga force multipliers”.
Source: Laguna PNP-PIO
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales