Arestado ang 35-anyos na lalaki sa pagdadala ng ilegal na baril sa National Highway, Barangay Bagontapay, Mlang, Cotabato nito lamang ika-24 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Major James S. Baugbog, Officer-In-Charge ng Mlang Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jun”, 35 taong gulang, binata, magsasaka, residente ng Purok 4, Barangay Bual, Tulunan, Cotabato.
Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang caliber .45 Remington Rand na may serial number 649312, chamber loaded, dalawang magazine na may 13 piraso na bala.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunitions in relation to the Omnibus Election Code.
Layunin ng operasyon na masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng publiko sa panahon ng halalan sa pamamagitan ng pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad, partikular ang paggamit at pag-iingat ng mga hindi rehistradong armas na maaaring magamit sa karahasan o pandaraya at upang mapanatili ang integridad ng halalan at maiwasan ang anumang aktibidad na maaaring magdulot ng takot o kaguluhan sa mga mamamayan.
Panulat ni Pat Brylyn Jean Cabonilas