Leyte – Nagtapos ang 34 K9 Handlers at 26 Narcotics and Explosives Detection Dogs kasama ang mga PNP personnel at civilian volunteers na sumailalim sa isang buwan na K9 Auxiliary Corps “Dogs at your Service” (DAYS) Training na ginanap sa PRO 8 Multi-Purpose Hall, Camp Sec. Ruperto K Kangleon, Palo, Leyte nitong Oktubre 9, 2023.
Ang closing ceremony ay dinaluhan ni Police Brigadier General Vincent Calanoga, Regional Director ng Police Regional Office 8, kasama sina Police Colonel Dionisio Apas, Chief RCADD; Police Colonel Matthe Aseo, Chief RPRMD; Police Lieutenant Colonel Wilfredo Velayo Jr, ADMO PRO 8; at mga Chiefs ng Regional Staff.
Binigyan naman ng Plaque of Appreciation sina Mr. Richard Ruel Tria at Mr Kimverly Sumcad, bilang mga Canine Trainors mula sa Pasig City DRRMO.
Ang DAYS Project ay nagdaragdag sa kapasidad ng PRO 8 sa pagsasagawa ng mga operasyon ng pulisya at pagpapatupad ng batas sa pangkalahatan na nangangailangan ng paggamit ng K9 Units.
Kabilang dito ang pangangailangan ng naturang tulong sa paghahanap ng mga ilegal na droga at kontrabando sa panahon ng anti-illegal drug operations na bahagi ng three-pronged approach ng BIDA program.
Sinisiguro naman ng Police Region Office 8 na ang mga aso ay katulong ng kapulisan sa pagsisiguro na maiwasan at mabawasan ang pagpuslit ng ilegal na droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa.