Arestado ang mahigit 34 na idibidwal sa isang linggong operasyon ng kapulisan ng Batangas PNP sa buong probinsya ng Batangas simula Abril 14 hanggang Abril 20, 2024.

Bilang pagtugon sa mas pinaigting na kampanya kontra kriminalidad, ang mga operatiba ng Batangas Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Samson B Belmonte, Provincial Director ay tuloy-tuloy na nagsagawa ng magkakaibang operasyon laban sa ilegal na droga.
Nakapagtala ang Batangas PPO ng 33 na operasyon at nakaaresto ng nasa 34 na katao. Dito nakumpiska ang nasa 1,424,390.66 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng nasa Php9,685,856,488.

“Prayoridad po ng kapulisan sa ating Bagong Pilipinas ang inyong kaligtasan kung kaya’t tuloy-tuloy lamang po ang ating mga operasyon kontra ilegal na droga. Inaasahan po ng inyong kapulisan ang suporta at tulong”, ani PCol Belmonte.
Source: Batangas PNP-PIO
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales